Abante Tonite Interactive

Erram babalik sa TNT

514

Mapupuntang muli si John Paul ‘Poy’ Erram sa TNT.

Isang three-team trade na kinasasangkutan ng TNT, NLEX at Blackwater ang magdadala kay Erram sa KaTropa bago magbukas ng 45th PBA season sa Marso 8.
Ayon sa report, nakarating na sa opisina ni PBA Commissioner Willie Marcial ang trade papers.

Ibibigay ng TNT ang big man na si Marion Magat at future first-round pick sa Elite para sa future first-round pick ng Blackwater.

Ipagkakaloob naman ng Elite ang dalawa nilang future draft pick – kabilang ang first-rounder na nakuha sa KaTropa – kasama si Anthony Semerad papunta sa Road Warriors para makuha si Erram.

Ibibigay naman ng Blackwater ang 6-foot-8 na si Erram sa TNT, ang koponang kumuha sa kanya sa second round ng 2013 draft, kapalit ni Ed Daquioag at isang first-round selection.