Abante Tonite Interactive

Erram gustong mahawa kay Taulava

223

Hindi pa nagsisimula ang 44th PBA season, parang nanalo na si Poy Erram.

Magsisilbing mentor at personal ‘trainer’ ni Erram ang one-time PBA Most Valuable Player (MVP) na si Asi Taulava sa bago niyang team na NLEX Road Warriors.

Nalipat si Erram sa NLEX mula Blackwater via three-team trade at masaya siya dahil ang 20 year veteran at 6-foot-9 behemoth na si Taulava ang agad niyang nakasama sa ensayo.

“Malaking tulong kasi makikita mo ‘yung work ethic niya, ‘yung mga natutunan niya throughout his career, yun din yung tinuturo niya sa akin, hindi mo mababayaran ‘yun eh,” kuwento ni Erram sa panayam ng ABS-CBN.

“Katulad sa akin, nagsisimula pa lang yung career ko, ngayon pa lang ako nare-recognize ng mga tao, ang laking tulong na nandiyan si Kuya Asi para bigyan ako ng advice when it comes – kasi hindi na tulad nung college na yung responsibi­lites ko mababa lang eh, ngayon yung responsibility ko ang laki na eh, compared sa dati. Ngayon responsibility ko yung team, yung pamilya ko, and then yung pangalan ko, responsibiity ko din, na ang dami nilang binitawan para sa akin, para mapunta ako sa team na ‘to.”

“Ang laking tulong na may mag-aadvice, kasi napagdaanan na lahat ni Kuya Asi yun eh, so laking tulong na andiyan siya, binibigyan niya ako ng advice,” patuloy ng 6-foot-8 center.

“Kailangan ko i-absorb lahat yun, kailangan ko matuto, kailangan ko i-improve yung sarili ko para dumating ako kung nasaan siya ngayon, sa posisyon niya.”