Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Erram kakayod sa Tropang Giga

0 164

Sa unang pagkakataon sa kanyang PBA career, nakapaglaro si Poy Erram sa Finals.

Natikman niya ‘yun sa unang season sa TNT.

‘Yun din ang pinakamalapit na tingin ng incoming seven-year pro sa Philippine Cup crown na bubuksan sa huling linggo ng June o first week of July.

Pero tumukod ang Tropang Giga sa Ginebra sa limang laro.

Nakaapekto sa title quest ng TNT ang injuries nina Jayson Castro at Bobby Ray Parks Jr.

Nadagdagan ang motibasyon ng 31-year-old, 6-foot-8 center na makuha niya ang unang kampeonato.

“Personal goal is to help the team any way possible para every game manalo kami,” giit ng basketbolistang tubong Makati sa The Game ng One Sports Linggo ng gabi. “As a group, siyempre ‘yung pinaka-goal namin is to win a championship.”

Limang taon nang hindi nagkakampeon ang TNT, 2015 pa nang itaas ang seventh at last championship sa Commissioner’s Cup.

Binalik ng Tropa si Chot Reyes na arkitekto ng apat na titulo ng team.

Excited na si Erram na makapaglaro sa ilalim ng eight-time champion coach.

“Siyempre sa mga experience niya, sa players na nahawakan niya, ang dami na niyang experience,” panapos na pahayag ng big man at former Gilas Pilipinas player. “’Yun, for me, ma-share niya ‘yun sa akin, ma-apply ko sa game ko, malaking bagay ‘yun.” (Vladi Eduarte)

Leave A Reply

Your email address will not be published.