Abante Tonite Interactive

Erram sa Elite: Trabaho lang, walang personalan

335

Sa unang pagkakataon sapul nang mai-trade sa NLEX, hinarap ni Poy Erram ang dating team na Blackwater sa first game ng PBA Philippine Cup sa Smart Araneta Coliseum Linggo ng gabi.

Apat na taong naglaro sa Elite si Erram matapos kuning 15th pick overall ng TNT noong 2014.

“Wala naman, parang neutral lang kasi trabaho namin ‘to eh,” pahayag ng 29-anyos na 6-foot-9 center na produkto ng Ateneo. “Sabi nga, win or lose.

Nanalo kami, so maganda sa side namin.”

Tumabo si Erram ng double-double na 20 points at 10 rebounds, may sahog pang 2 assists at 2 blocks sa loob ng kulang 24 minutes.

“Siyempre nakakapanibago kasi kasama mo sila (Elite) for how many years, ‘di ba? Tapos makakalaban mo,” dagdag ni Erram na 8 of 12 mula sa field. “Pero part ng trabaho ‘yun, kailangan mag-move on, kelangan focused sa ginagawa mo.”

Maayos naman ang paghihiwalay nina Erram at Bong Ramos, kinumusta pa ng dati niyang coach ang kanyang tuhod. (Vladi Eduarte)