Abante Tonite Interactive

Escort service ng BI sa mga POGO worker iimbestigahan

349

Kinakalkal ngayon ng Bureau of Immigration ang umano’y ‘escort service’ ng ilang ahente nito mga dumarating na Chinese national sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Ito ay matapos iutos ng Department of Justice ang pag-imbestiga sa mga BI officer na umano’y nag-e-escort sa mga Chinese national na magtatrabaho ng iligal sa Philippine Offshore Gaming Operators (POGOs)
Nagbabayad umano ng malaking halaga ang mga POGO operator para makapasok at makapagtrabaho sa bansa ang Chinese nang walang mga ligal na dokumento.

“We will get to the bottom of this, whether the BI or some (other) offi­ces are involved,” ayon kay BI Port Ope­rations Division chief Grifton Medina sa isang exclusive interview .

Idinagdag nito na hindi kinukun­sinte ng BI ang nasabing kalakaran dahil ipinagbabawal ang ‘escorting’.

Makikita umano sa CCTV kung mayroon mang tauhan ng BI na susundo sa mga dumarating na Chinese.

Bawal umanong umalis sa kanilang mga puwesto ang mga opisyal o tauhan ng BI sa airport.

Sa mga Immigration officer, tangin­g ang mga TCEU (Travel Control and Enforcement Unit) ang pinapayagang sumundo sa mga diplomat at opisyal ng gobyerno na nasa official travel.

“What are the instances that we exclude the Chinese? For example, they don’t have a return ticket, they don’t have a lodging here. These are red flags that they may be illegal workers­,” paliwanag pa nito.

Inaasahan nn umano nila ang pagdagsa ng mga turistang Chinese bukod pa sa Koreans, Americans dahil sa pag­lakas ng turismo sa Pilipinas
“How can we know if the Chinese have an intention to work here illegally? If he or she has presented the required documents, how can we know? If ever they have friends who would eventually encourage them to work illegally, how could an immigration officer know?” tanong ni Medina.

“By all means, we will get into the bottom of this, and find out the real personnel fetching (the arriving passengers,” dii ng opisyal. (PNA)