Abante Tonite Interactive

Escort service site na gumamit kay Jackie nagsara

0 777

Kung kailan hindi masyadong visible ang Starstruck alumna na si Jackie Rice saka siya hogging the headlines, huh! Buti sana kung ang dahilan ay dahil sa mahusay niyang pagganap bilang aktres sa isang dramang pampelikula o telebisyon o kaya dahil girl ikakasal na nga ba siya o kaya ay mother to be kaso hindi katuwa-tuwa kung saan sangkot ang kanyang beautiful face at persona.

Ang panalo lang sa chikang diumano si Rice ay isang escort service girl na may pangmalakasang presyuhan na P2M, ang dalagang maganda, ginawa itong katatawanan at siya mismo, ginawang kuwela ang sitwasyon.

Para sa diva that you love, classy ang act niyang she made the rumor humo-rous at may hanash pa nga siyang kina-lulugod niya ang pagiging trending topic at may kuda pa siyang nalulungkot siya na biglang down ang site kung saan ang mukha niya ay binabanderang puwedeng maka-partee, partee!

Kung sa ibang artista nangyari ang ganito maaring may mahaba-habang aria ang ibabahagi sa kanilang social media site with matching patotoo na sila ay may good manners at right conduct. Maaring may testimonial pa na sila ay busilak with matching virginity test proof. O kaya, may pagbabanta ang kanilang mga abogado na may naka-ambang demanda na para sa nasabing site.

By putting humor to the situation, ipinakita ni Jackie na siya ay e­motionally healthy and mature. At higit sa lahat, dahil sa pangyayaring ito, hindi pa puwedeng isama ang babaing mestiza sa the WHO barkada. Mas hindi pa siya pasok sa League of Extra Ordinary Has Beens. Kasi nga relevant pa siya. Desirable. Most sought after dahil nga kung ibang Jackie ang itinurong isa sa mga keri na ipadama sa lahat na iba ang ligaya sa Pilipinas nating mahal, dedeadmahin naman ang chika at move on na ang lahat.

Ang pinakamainam na paraan para ma-stop in the name of love ang hindi kainamang asosasyon na ito ni Rice, dapat ang mother network niya, may trabaho agad na ibigay sa kanya. Kung siya nga naman ay laging nakikita here, there and everywhere sa mga programa sa Kapuso network, eh di walang alingasngas na ganito.

Ang kataka-taka at gusto kong mahibang na anggulo, bakit kaya wala man lang official statement ang GMA Artist Center tungkol sa mapanirang balitang ito? Hindi ba under their care si Rice at dapat sila ang unang magtatanggol at magpoprotekta dito?

Buti na lang matalino si Jackie and she showed her network and people how to quash the said rumor.

Kenzo, Migo bagay sa ‘Barumbado’

Papatulan pa ba natin ang diumanong ex ni Julia Barretto na si Kenzo Gutierrez who had an altercation with the police recently kasi nga intoxicated at may feeling of entitlement na everybody knows him?

Huwag na. Hayaan na natin ang mga magulang niya ang kumausap o kumastigo sa kanya. Para naman yayamanin ang binata kaya walang duda na may legal team na aayos sa gusot.

Ang pinakamainam lang na ipaala sa lahat, lalo sa mg aka-age bracket niyang early 20’s and beyond, HUWAG TULARAN. HINDI SIYA MAGANDANG EHEMPLO.

Marami rin namang mga people belonging to his demographic na who knows how to handle alcohol and fun well, at hindi nagiging ibang nilalang pag nasobrahan na sa paglaklak. (Ayon sa source naiiba talaga ang personalidad ni Kenzo pag nakakainom. Iwasan niya talaga. Pero sweet at mabait talaga ‘yan-ED).

Ngayong meron sa siyang “alarm and scandal” at “disobedience to a person in authority” record, naway may aral siyang maiuwi dahil dito. Hindi naman pwedeng just because he is young and entitled to do stupid things eh walang repercussions ang kanyang ginawa, hindi ba naman.

Ang tanong, may magka-interest pa kayang bigyan ng another showbiz chance ang binatang ito just like what happened to Migo Adecer na after his altercation with the authorities, kahit paano, nagka-public awareness at ngayon nga, namamayagpag pa rin sa “Sahaya”.

Bongga siguro kung pagsamahin sila Gutierrez at Adecer sa isang movie at ang title, “Barumbado”. O mas panalo kaya kung mas pang-Sean Cody, Bel Ami o Randy Blue ang kanilang pagsasamahan at ang titulo. “Eskirmahin Mo Ako, Lalaking Matapang”. Charot! Hahahaha!

Mark pinalitan na si Winwyn

Matapos maging kasintahan ni Mark Herras ang beauty queen na si Winwyn Marquez, diumano ang girlfriend niya sa kasalukuyan ay isang starlet na itatago natin sa pangalang Nicole Donesa.

May interasado pa ba kung may bagong kulakadidang si Herras? Parang wala naman lalo na nga’t ang estrella at karera ni Mark, neither here nor there na. Loyal siya sa kanyang mother network kaya meron pa rin siyang mga proyekto.

May improvement ba sa kanyang pag-arte or forever na siyang dean of the kunot noo school of acting? Hindi pa rin niya na-achieve na magka-borta body at ang pagiging bad boy of the dance floor niya eh thing of the past na.

Mas lalo naman wala tayong pakialam kay Donesa dahil alam na alam na forever is not enough ang kanyang pagiging the WHO.