Abante Tonite Interactive

Eskuwelahan pinagbayad ng danyos sa kaso ng bullying

297

Makaraang ang 8 taon tuluyan nang nabigyan ng hustisya ang kaso ng pambu-bully sa isang Grade 2 pupil sa isang pribadong paaralan sa Maynila matapos na atasan ng Quezon City Regional Trial Court (QCRTC) na magbayad ng halagang P220,000 ang opisyales ng paaralan at ang mga magulang ng nag-bully.

Napatunayan ni QCRTC Judge Marilou Runes-Tamang ng Branch 97 na ang mga opis­yal ng Saint Jude Catholic School-Maynila ay may pananagutan sa labis na kapabayaan sa pagpi­gil sa nangyaring pananakot laban sa isang mag-aaral na Grade 2 walong taon na ang nakalilipas.

Napatunayan din na may kaakibat ng pana­nagutan sa mga gawaing pambu-bully at mga gawaing pang-aapi ang mag-asawang Eugene at Joanne Lee, mga magulang ni Patrick Eugene, na 19- taong gulang ngayon, na nang-bully sa biktima na sadyang itinago ang pangalan.

Ang ina ng biktima na si Melita Go, na isang abogado, ay agad na naghain ng kaso matapos ang insidente.

Naganap ang promulgation ng korte ay noong Nobyembre 18 ngunit ang desisyon ay inilabas lamang sa media nitong nakaraang linggod.

Sa kanyang 122 pahinang desisyon, hinatulan ni Runes-Tamang ang mga paring principal ng St. Jude at Grade 2 class adviser na si Ms. De Guzman.
Ang mga opisyales ng St. Jude, ayon sa korte ay hindi gumawa ng agarang aksyon at pag-ii­ngat upang maprotektahan ang kanilang mga mag-aaral laban sa bullying. (Armida Rico)