Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Esmi kay Lee: Bastos ka!

0 137

TALAGANG hindi napipigilan ni Magnolia Hotshots guard Paul Lee na ilabas ang kanyang kapilyuhan lalo na kapag kasama nito ang misis na si Rubie.

Mapapanood sa instagram story ng misis nito na binahagi rin naman ni Lee sa kanyang social media account ang video nilang mag-aama.

Makikita sa video na naglalaro ang mag-ina gamit ang Instagram filter habang nasa likod nila si Lee.

Napunta ang pokus ng camera kay Lee at bigla nitong dinilaan ang balikat ng misis sabay ngiti ito.

Nagulat si Mrs. Lee at napahirit na lang ng “bastos ka!”

Sa Abril ba ang dribol ng ika-46 season ng PBA kaya bonding muna si Lee sa kanyang pamilya habang wala pang laro.

Isinisingit din ni Lee ang personal workout upang mapanatiling kondisyon ang katawan sa pagbabalik ng PBA. (Sarah Jireh Asido)

Leave A Reply

Your email address will not be published.