Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Esmi napuruhan ng motor sa ulo

0 44

KRITIKAL ang isang ginang nang mabundol ng isang motorsiklo habang papatawid sa Cavite, Martes ng hapon.

Nakaratay ngayon sa St. Martin Hospital si Carolina Riego, may-asawa, 58, vendor, dahil sa tinamong malalang sugat sa ulo. Kinilala naman ang driver ng motorsiklong Rusi na si Danilo Mang Jr, 46, may-asawa, kapwa taga-Noveleta, Cavite.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Sa ulat ni PSSgt Rodel Abutin ng Noveleta Police Station, papatawid sa kalsada sa Brgy Magdiwang, Noveleta, Cavite ang biktima nang masagasaan ng minamanehong motorsiklo ng suspek alas-3:30 kamakalawa ng hapon.

Sa lakas na pagkakabangga, nagtamo ng matinding sugat sa ulo ang ginang. (Gene Adsuara)

Leave A Reply

Your email address will not be published.