Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Espejo angat uli kay Bagunas

0 163

Nakadalawa na si Marck Espejo kay Bryan Bagunas nang ungusan niya ito Sabado sa 2021-2022 Japan V.League Division 1.

Nagwagi ang koponan ni Espejo na FC Tokyo kontra sa koponan ni Bagunas na Oita Miyoshi matapos talunin sa three sets, 25-18, 25-20, 25-23.

Nagpasiklab si Spikers’ Turf MVP Espejo ng 11 points mula sa 8 spikes, 2 blocks at 1 service ace para pagandahin ang kartada ng koponan sa 2-6.

Samantala, si Bryan naman ay nalimitahan lang sa isang puntos at bigong matulungan ang Oita na nalubog sa 1-7 win-loss record. (Aivan Episcope)

Leave A Reply

Your email address will not be published.