Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Espejo, Bagunas tumilapon

0 120

Parehong inalat sina Marck Jesus Espejo ng FC Tokyo at Bryan Bagunas ng Oita Miyoshi Weisse Adler sa magkahiwalay na salpukan sa 54th Division 1 Men’s V.League 2021-22 regular round sa Japan Sabado ng hapon.

Hindi sumapat ang 9 points ni Espejo sa pagtaob ng FC laban sa Toray Arrows (8-3), 25-20, 25-21, 25-18, sa This Hana Arena.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Bitin din ang kagayang puntos ni Bagunas sa pagkadulas ng Oita sa JT Thunders (4-7), 25-19, 28-26, 30-28, sa Showa Denko Sports Center.

Laglag ang dalawang Pinoy import at team nila sa 3-11 (Tokyo) at 2-9 (Oita) patungo sa mga rematch ngayong Linggo. (Aivan Episcope)

Leave A Reply

Your email address will not be published.