Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Espejo, De Guzman sa tryout

0 208

Nagpakita ng buong puwersa ang mga kalalakihan sa pangunguna nina Marck Jesus Espejo at John Vic De Guzman sa ikalawang araw ng Philippine National Volleyball Federation (PNVF) men’s team tryout sa Subic Gym bubble Huwebes.

May 31 players mula sa 40 mga inimbitahan ang dumating kasama ang 10 pang dating national teammates nina Espejo at De Guzman na nag-silver medal sa 2019 PH Southeast Asian Games.

Sila ay sina Ricky Marcos, Jack Kalingking, Jao Umandal, Mark Alfarara, Ish Polvorosa, Jessie Lopez, Joshua Retamar, Kim Malabunga, Francis Saura at Rex Intal. (Angelito Oredo)

Leave A Reply

Your email address will not be published.