Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Espejo, FC Tokyo yuko

0 129

Kinapos sina Marck Espejo at ang Tokyo FC kontra JTEKT Stings 17-25, 25-22, 25-23, 25-27, 11-15 sa 2021-2022 Japan V.League kahapon sa Panasonic Arena.

Nabalewala ang 18 attacks at isang block ni Espejo, 16 attacks at dalawang block mula kay Yuma Nagatomo at 14 attacks, dalawang blocks at isang service ni Kvaren Jonas.

Nitong Sabado, una nang tumiklop ang FC Tokyo sa iskor na 17-25, 19-25, 19-25 laban sa JTEKT.

Dahil sa resulta, lugmok sa 0-4 win-loss card ang FC Tokyo habang akyat sa 3-1 record ang JTEKT. (Janiel Abby Toralba)

Leave A Reply

Your email address will not be published.