Abante Tonite Interactive

Espejo nag-facial kay Channaro

307

Pasiklab agad si power hitter Marck Espejo sa debut game sa 2020 Volleyball Thailand League bilang reinforcement para sa Visakha Volleyball Club nitong Linggo.

Pinangunahan ni Espejo ang kampo ng Visakha kontra Prince Finance, 25-22, 25-21, 18-25, 25-22.

Dahil sa kanyang performance na 25 points, 23 attacks, dalawang blocks at isang ace, tinalaga pa ang Pinoy na Player of the Game ng laban.

“Maybe we’re just waiting for the game to end. We were relax. This is our first game. Hopefully we better ourselves next game,” ani Espejo sa post-game interview.

Naging highlight rin sa laban ang back row attack ni Espejo kay Cambodia’s Soun Channaro sa fourth set.

Isang facial hit ang pinakawalan ni Espejo na agad rin namang humingi ng tawad kay Channaro. (JAT)