Abante Tonite Interactive

Espenido malinis sa droga — Duterte

0 784

Naniniwala si Pangulong Rodrigo Duterte na malinis at walang batik ang record ni Pol. Lt. Col. Jovie Espenido sa kabila ng ulat na kasama ang pangalan nito sa narco list ng Philippine National Police.

Ito ang inihayag ni Presidential Spokesman Salvador Panelo sa harap ng pagkumpirma ni Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo Año na kasama ang pangalan ni Espenido sa lista­han at bina-validate na nila ito.

Hindi inaalis ng Palasyo ang posibilidad na may inilalargang black propaganda laban kay Espenido para si­rain ang reputasyon nito sa mata ni Pangulong Duterte at para pahinain ang kampanya laban sa iligal na droga.

“President Rodrigo Roa Duterte believes that Police Lt. Col. Jovie Espenido is clean.There appears to be a black propaganda waged against Lt. Col. Espenido to bes­mirch the reputation of the latter in the eyes of PRRD and the Filipino nation, and to derail his unrelenting campaign against illegal drugs,” ani Panelo.

Sinabi ng kalihim na patuloy na nagtitiwala si Pa­ngulong Duterte kay Espenido at hindi ito naniniwala sa akusasyon na sangkot ang opisyal sa iligal na droga.
“Lt. Col. Espenido conti
nues to enjoy the trust and confidence of the President. PRRD believes that the reports of his alleged involvement in prohibited drugs are untrue,” dagdag pa ni Panelo.

Matatandaang mismong si Pangulong Duterte ay bilib sa opisyal dahil naitumba nito ang dalawang alkalde na pinaniniwalaang sangkot sa illegal drug trade sa Visayas at Mindanao.

Magugunitang kinumpirma ni Año na naalis si Espenido sa kanyang puwesto bilang chief of police ng Bacolod City dahil sa pagkakasama ng kanyang pa­ngalan sa narcolist.

“I have always believed that the real test of the cha­racter of public officials like PLt. Col. Jovie Espenido is power or money. Give them the opportunity to lay their hands on either one or both and they will reveal who they really are,” sabi naman ni Senador Panfilo Lacson.

Inalala pa ni Lacson, dating Philippine National Police chief, noong panahon na kasama niya si Espenido sa Presidential Anti-Organized Crime Task Force at na­ging ‘consistent’ naman ito sa kanyang paggawa ng kanyang mga tungkulin.

“At least that was how I knew him in the many instances that he faced those challenges. But that time, he was just a non-commissioned officer at the bottom of the salary grade of police personnel,” ani Lacson.

“Rising from the ranks, he held several positions of higher authority until his relief recently,” dagdag pa nito.

Ayon kay Lacson, kahapo nang umaga ay pina­dalhan niya ng mensahe si Espenido at tinanong niya kung anong nangyari sa kanya subalit hindi umano ito sumagot.

Sinabi ni Lacson na sakaling totoo ang kaso laban kay Espenido, maaaring isa ito sa dahilan ng pagka­bigo ng drug war ng administrasyong Duterte. (Aileen Tali­ping/Dindong Matining)