Abante Tonite Interactive

Espenido malinis sa droga — PNP Western Visayas

565

Nilinis ni Western Visayas Philippine Natio­nal Police (PNP) Regional Director Brig. Gene­ral Rene Pamuspusan si Police Lt. Col Jovie Espenido sa anumang pagkakasangot nito sa illegal drug trade.

Ayon kay Pamuspusan, walang anumang impormasyon na mag-uugnay kay Espenido sa iligal na droga base sa kanilang ginawang imbestigasyon.

“Well ang sinabi ko as far as regional office 6 is concerned there is no reliable information or confirmatory report that would say that Espenido is involved in illegal drugs,” pahayag ni Pamuspusan sa isang telephone interview kahapon sa Camp Crame.

Dagdag pa ng opisyal na marami umanong ipinatupad na programa kontra iligal na droga si Espenido noong ito ay deputy director pa ng Bacolod City Police.

“Well as far as his role as the deputy city director for operations of Bacolod City Police Office talagang siya ‘yung officer in charge doon sa anti-drug operation ng Bacolod City Police Office kasi under sa kanya ‘yung oversight committee on anti-illegal drugs as deputy for operations,” saad ni Pamuspusan.

“So marami rin siyang mga programa na ginagawa diyan sa Bacolod. Syia rin ‘yung nagse-set ng mga iba-ibang activities and programs, siya rin ‘yung nag-e-evalute ng mga anti-drug operations nila diyan sa Bacolod City Police Office,” dagdag ng opisyal. (Edwin Balasa)