Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Esperon alerto sa plano ng CPP-NPA vs NTF-ELCAC

0 154

Inilunsad ng Communist Party of the Philippines – New People’s Army – National Democratic Front (CPP-NPA-NDF) ang kanilang plano na ‘OPLAN DELTA’ na laban sa mga opisyal ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict partikular na ang mga taga-pagsalita nito.

Sa lingguhang ‘virtual’ na balitaan ng NTF-ELCAC kahapon (Lunes), ibinunyag ni Undersecretary Lorraine Badoy, tagapagsalita ng task force sa larangan ng Social Media at Sectoral Concern, na ayon sa ‘intelligence report’ ay ikinasa ang OPLAN DELTA sa pamumuno ng National United Front Commission (NUFC) ng CPP-NPA-NDF kasama ang matataas din na opisyal ng communist terrorist groups (CTGs).

Ayon kay Badoy, nasasaad din sa intel report na gumawa ng kada komite para sa kada taga-pagsalita ng NTF-ELCAC ang CTG upang makabuo ng plano kung paano gagawin ang kanilang propaganda laban at makakasira sa mga pag-katao ng mga tagpagsalita ng task force.

“The committees in charge of me, Lt Gen Antonio Parlade Jr., Undersecretary Joel Egco and Atty. Marlon Bosantog were under special instructions to intensify their black propaganda and demolition jobs on us because they suspect we will be running for public office in next year’s elections,” ang pahayag ni Badoy.

Ang pagkakadiskubre sa Oplan Delta aniya ay hindi na bago sa kanila at di nila ikinabigla, dahil ito ay pansamantalang nabantulot nang mahuli ng mga tropa ng pamahalaan ang mga ‘liquidation squad’ ng CPP-NPA-NDF sa Sta. Rosa, Laguna.

Para naman kay National Security Adviser at NTF-ELCAC Vice-Chairman, Hermogenes Esperon Jr. ang Operation Delta ng CPP-NPA-NDF ay senyales na ng pagkatalo ng komunistang-teroristang samahan dahil unti-unti na nitong nakikita ang kanilang pagkatalo at pagkalusaw ng kanilang organisasyon.

“Don’t shoot the messenger. Kasi kung yung spokesperson ang inyong titirahin, mas mababa na yung antas ng usapan. Kung mag-gagather sila ng information about the spokespersons and probably even the people involved in the National Task Force ELCAC, including me, then sige kung meron kayong makuha, but parang wala na ba kayong masagot sa aming mga sinasabi at yung messenger na ang inyong pinupuntirya?” ang hamon ni Esperon.

“They have run out of reasons, and therefore, ang masasabi ko lang ay merong sense of desperation sa parte nila. Let it be, let it be. Nakahanda naman tayo diyan,” Esperon said, adding, that all the NTF ELCAC spokespersons and personnel are ready for any slanderous attacks,” dadag pa ni Esperon.

Si Jeffrey Celiz, isang dating miyembro CPP-NPA-NDF at naging opisyal pa sa loob ng 21 taon sa samahan na kilala rin sa alias Ka Eric Almendras ay kinumpirma ang plano upang palabasin masasama ang taga-pagsalita ng NTF ELCAC. Ito raw ay base na rin sa kasaysayan ng CPP-NPA-NDF at kakayahan nito na siraan ang pamahalaan at mga lider ng bansa.

Leave A Reply

Your email address will not be published.