Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Esperon saludo sa pagpalag ng NTC vs terrorist act

0 49

ITINUTURING na `terrorist act’ ang pagpapakalat ng maling impormasyon at ang pagpapalaganap ng baluktot na adhikain naman ay siyang dahilan para magkawatak-watak ang mga Filipino.

Ganito ipinagtanggol ni National Security Adviser Hermogenes Esperon ang pakiusap sa National Telecommunications Commission (NTC) na i-block and 26 websites na diumano’y kakampi o tagasuporta ng mga rebeldeng komunista maging ng mga grupong terorista.

Sa isang pahayag, nagpasalamat si Esperon kay NTC Commissioner Gamaliel Cordoba matapos pagbigyan ang hiling nito na huwag ng payagang gumamit ng digital space ang nasabing websites.

Kabilang sa mga ito ang Bulatlat at Pinoy Weekly na nagsasabing sila ay independent media.

Ayon kay Esperon, malinaw na ang mga inilalabas ng dalawang organisasyon ay ang mga adhikain at prinsipyo ng mga kaanib ng Communist Party of the Philippines; New People’s Army at National Democratic Front of the Philippines.

“We understand that that cost of leadership is high, especially with issues as sensitive as this. Nevertheless, the goal to protect and preserve our nation’s integrity and objectivity means that we are prepared to make difficult decisions needed to prevent further negative influence from the CPP-NPA-NDF and its affiliated organizations to spread in our cyberspace,” ani Esperon.

Iginiit din ni Esperon na kabilang sa responsibilidad ng National Security Council (NSC) ay siguraduhing ligtas ang mga tao laban sa mapanirang pahayag.

Nilinaw niyang hindi pagpigil sa freedom of speech ang ginawa ng NTC dahil pwede pa din namang maglabas ng ulat ang mga ito hindi na nga lang pagagamitin ng digital space ng pamahalaan.

Gayunpaman sinabi ni Esperon na ang ang Kalayaan sa pagsasalita ay hindi pinipigilan ng Anti-Terrorism Act of 2022 bagkus inilalagay lang sa tama.

“Hate speech, unjust propaganda, and seeking support for CTG-affiliated organizations should be seen as separate offenses that need to be limited, especially in our country where misinformation remains to be addressed with care and consistency,” pahayag pa ni Esperon.

Leave A Reply

Your email address will not be published.