Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Esperon tiklop sa sibak Parlade, pasaklolo kay Bato

0 391

Inamin ni National Security Adviser Secretary Hermogenes Esperon Jr. na kumukonsulta siya sa mga senador kaugnay sa panawagang sibakin si Lt. Gen. Antonio Parlade bilang tagapagsalita ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC).

Sinabi ni Esperon na nakikipag-ugnayan na siya kay Senador Panfilo Lacson na naunang nagsabing silipin nito ang constitutional provisions vis-a-vis sa appointment ni Parlade.

Dinagdag pa ng security adviser na pinaplano niyang tumugon sa demand ng Senado sa pamamagitan ng sulat kay Senate President Vicente Sotto III.

SM food to go Banner Ad

Maging si Senador Ronald “Bato” Dela Rosa ay balak din umanong konsultahin ni Esperon.

“May ginagawa akong sulat na dapat kahapon ko matatapos pero dahil may bagong development ibibigay ko ‘yon kay Senate President. Dadalhin ko rin `yon kay Sen. Bato, dahil hindi siya pumipirma sa call of resignation. May mga kakausapin din akong senador sa sulat tungkol sa subject,” sabi ni Esperon.

“`Yon nga lang hindi ko masasabi ngayon dahil meron pa kaming mga pinag-uusapan sa panig ng ating NTF-ELCAC at ating legal officer. Hayaan niyo na lang na ipagpatuloy ko ang aking pakikipag-ugnayan sa ating mga kagalang-galang na senador,” paliwanag pa ni Esperon sa Laging Handa public briefing kahapon.(Kiko Cueto)

Leave A Reply

Your email address will not be published.