Espinosa itatapon sa Bicutan jail

Ni Nancy Carvajal
Ililipat ang self-confessed drug lord na si Kerwin Espinosa sa mas mahigpit na pasilidad na Bicutan jail, ayon sa pinuno ng National Bureau of Investigation (NBI).
Sinabi rin ni NBI Director Eric Distor na napapanahon ang pagbabalasa ng pamunuan at mga kawani ng NBI jail sa pagkabigo ng planong pagpuga ni Espinosa.
“I sensed something is not right in the jail, so I decided to change the jail staff and officials before Christmas,” banggit ni Distor.
Hiniling na aniya nila ang paglipat ni Espinosa sa mas secure na pasilidad kasunod ng insidente.
“The Bicutan jail is a more secure facility for a high-profile detainee like Kerwin.”

Saad ni Distor, nakatanggap ng impormasyon ang dalawang jail official hinggil sa planong pagtakas ni Espinosa at ng dalawa pang preso sa nasabing kulungan.
“We immediately inspected the jail grounds and possible route for the escape. We found a gap in the exhaust fan and the iron bars used to cover the gap were deformed. A body could fit the gap,” pagbabahagi niya.
“Based on deformed iron bar, it has been months when they started cutting the iron grill,” lahad naman ng isa pang source.
Magugunitang nakakulong si Espinosa sa NBI jail mula pa 2018, kasunod ng pagsuko niya sa mga awtoridad matapos ang kanyang tatay na si dating Albuera Mayor ay pinaslang sa loob ng selda nito sa isang kulungan sa Leyte.
Naghain na ang NBI ng drug charges laban kay Espinosa pero nakabinbin pa rin ang mga ito sa Department of Justice.