Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Espinosa yari sa laban-bawi kay De Lima

0 47

Namimiligrong makasuhan ng perjury ang pinaghihinalaang drug lord na si Kerwin Espinosa matapos nitong bawiin ang alegasyon laban kay Senador Leila de Lima kaugnay sa isyu ng ilegal na droga.

Sa Laging Handa public briefing, sinabi ni Department of Justice (DOJ) Undersecretary Adrian Sugay na pinag-aaralan ng Office of the Prosecutor General kung puwede makasuhan si Espinosa dahil nanumpa siya sa korte nang gawin ang kanyang testimonya laban kay De Lima.

“Tinitingnan iyan ngayon ng Office of the Prosecutor General kung puwede ngang makasuhan, kasi nga magkaiba iyong kanyang naging statement. He issued an earlier statement; it was under oath, and now he is recanting,” ani Sugay.

Kailangan aniyang sagutin ni Espinosa ang dalawa nitong testimonya sa korte dahil lumilitaw na nagsinungaling ito sa kanyang sinumpaang salaysay.

“So baka nga mayroong maging liabilities si Mr. Espinosa. But this is something that he will have to contend with and he will have to address and something that he has to deal with eventually,” wika ni Sugay. (Aileen Taliping)

Leave A Reply

Your email address will not be published.