Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Espiritu da best agent

0 54

Kung agent lang naman sa professional basketball ang pag-uusapan, si Danny Espiritu agad ang kilalang kilala riyan.

Tinaguriang ‘da best’ at ‘super’ agent si Espiritu dahil sa maraming mga dekalibreng Philippine Basketball Associatin player ang hawak niya.

Sa kasalukuyan nasa 63 active PBA players, karamiha’y mga superstar pa ng champion teams ang nasa kuwadra niya.

Ilan na rito sina San Miguel Beer stars Arwind Santos at Alexander ‘Alex’ Cabagnot Jr., Calvin Abueva ng Magnolia Hotshots, at Earl Scottie Thompson ng Barangay Ginebra San Miguel.

Maging ang mga beteranong sina Jason Castro ng TNT, Vic Manuel Phoenix Super LPG, JR Quiñahan ng NLEX at marami pang iba.

Maging ang anak ni ni Boss Danny na si Marvin Espiritu sumunod sa kanyang yapak, at isa ring magaling na agent sa liga. (Sarah Jireh Asido)

Leave A Reply

Your email address will not be published.