Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Espiritu ibang klase mag-alaga ng player

0 327

Bilang isa sa mga beteranong basketball players’ agent, batid ni Danny Espiritu na pagkakaintindihan at pagkakaunawan ang dapat lagi umiral sa player at agent para sa isang sa isang mabuting pagsasamahan.

Ibinahagi ng 74-year-old ‘mega’ agent Lunes kay Abante’s Sportalakan host Sarah Jireh Asido ang kanyang istilo ng pagma-manage sa mga manlalaro, na ang ilan ay sina PBA stars Earl Scottie Thompson, Arwind Santos, Jayson Castro, Raymond Almazan, Calvin Abueva, Beau Belga, Jeth Troy Rosario, Alex Cabagnot, Vic Manuel, at Mark Caguioa.

Related Posts
SM food to go Banner Ad

“Dapat ang agent, naiintindihan sya ng player nya,” sey ni Espiritu na nasa 35 taon na sa kanyang trabaho. “‘Wag niyang pilitin na ang player niya ang intindihin siya. Mag-aaway kayo nyan.Kailangan mahaba din ang pasensya mo sa player.

Hinirit pa niyang, “Ako lagi kong sinasabi sa mga player, hindi porke si Boss Danny ang agent mo siguradong malaki na ang kontrata mo. Lahat ng nangyayari sa ginagawa ko, kagagawan mo sa paglalaro mo.” (Janiel Abby Toralba)

Leave A Reply

Your email address will not be published.