Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Espiritu may 4 Fil-Am sa draft

0 67

Isa sa mga dapat abangan para sa darating na 36th Philippine Basketball Association Rookie Draft 2021 sa March 14 si 6-foot-8 Troy Rike at tatlo pang kapwa niya Fil-Am.

Ito ang ibinahagi ni PBA player agent-manager Marvin Espiritu sa Abante Sportalakan nina hosts Sarah Jireh Asido at Cyreel Zarate nitong Miyerkoles, dinagdag niyang nakapagpasa na rin kanilang applications ang grupo.

Bukod kay Rike na naglaro sa Wake Forest University sa USA bago nag-National University sa UAAP, ang tatlong ibang nasa ilalim ng stable ni Espiritu ay sina swingmen 6-foot Franky Johnson at 6-2 Joshua Torralba at 6-5 foward Tyrus Hill.

Pinanapos ng nakababatang Espiritu na pinaplantsa na rin nito ang mga kontrata ng kanyang mga players katulad nina Rashawn McCarthy, Prince Caperal, Paul Varilla, Kyle Pascual, Trevis Jackson at Chris Javier sa kani-kanilang mga koponan sa liga.(Janiel Abby Toralba)

Leave A Reply

Your email address will not be published.