Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Esplana kumakatok ng ayuda

0 153

Nagpapatulong si Philippine Basketball Association Legend, dating 3-term Valenzuela City councilor at Abante Sportalakan co-host Gerald ‘Gerry’ Esplana sa mga may ginintuang puso para sa mga biktima ng sunog sa lugar niya sa Malinta, Valenzuela.

Pinost ng 55-taong-gulang,may taas na 5-11 guard at ngayo’y Valenzuela City Sports Development Office chief sa kanyang FB account Martes ang trahedya.

SM food to go Banner Ad

“To all my FB friends. Sa likod bahay lang po namin ito sa Malinta, Valenzuela City. 950 families po ang naapektuhan. I need your help ASAP, urgent! Please help whether in kind or cash. Any help will do,” sey ni Esplana.

“Dito ho ako naglalaro noong araw, nang bata pa ako.” (Sarah Jireh Asido)

Leave A Reply

Your email address will not be published.