Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Esports body pinababago sa POC

0 85

Nanawagan ang National Electronic Sports Federation of the Philippines (NESFP) sa Philippine Olympic Committee (POC) na baguhin ang desisyon sa pagtanggap sa miyembro na umaangking lehitimong national sports association (NSA) sa esports habang wala pang kinikilala ang International Olympic Committee (IOC) na international federation (IF) para sa sport.

Idinetalye ni NESFP President Ramon Suzara kay POC President Rep. Abraham Tolentino sa isang liham, na wala pang binasbasan ang IOC na IF para sa esports at ang NESFP – hindi ang PESO – ang dapat maging NSA sa sport dahil ito (NESFP) ang nagdaraos, pumili at nagsanay na mga nanalo ng gold medal na atleta sa 30th Southeast Asian Games PH 2019 nang maging medal sport sa unang pagkakataon ito sa paligsahan.

“On behalf of the NESFP, I urgently seek a reconsideration of your decision to accredit the Philippine eSports Organization [PESO] as an associate member NSA for electronic sports instead of NESFP,” pahayag ni Suzara sa sulat na may petsang Setyembre 2.

Tinanggap ng POC, sa virtual General Assembly nitong Agosto 29, ang PESO bilang kasapi – sa rekomendasyon ni Membership Committee head Bones Floro – sa kasunduang kaanib na sa International Esports Federation (IESF), na nagsasabing kinikilala na ng IOC.

Pero hinirit ni Suzara Suzara na walang pang basbas ang IESF sa IOC at hindi pa rin sa kasama ito sa Global Association of International Sports Federations (GAISF). (Abante TONITE Sports)

Leave A Reply

Your email address will not be published.