Abante Tonite Interactive

eSports iinit sa Team Liyab

0 122

Asam ng dalawang beterano ng Team Liyab na opisyal na makapasok sa national eSsports team para sa debut ng disiplina sa 30th Southeast Asian Games 2019 sa bansa sa darating na Nobyembre 30-Disyembre 11.

Ang dalawa ay sina Kevin ‘Gambit’ Dizon at Caviar ‘Enderr’ Acampado na kapwa napabilang sa Sibol national training pool at tiwala sa kanilang tsansa sa medalya sa 11-nation, 12-day biennial sportsfest.

“Confident ako na mananalo sa SEA Games,” sabi ni multi-titled Acampado sa Philippine Sportswriters Association (PSA) Forum sa Amelie Hotel-Manila sa Jorge Bocobo, Malate kasama sina Dizon, team capt. Em ‘Kaisaya’ Dangla ng Liyab Haliya Arena of Valor, at Jeshua ‘Fofi’ Ferrer ng Liyab Haliya League of Legends.

Si Dizon ang Arena of Valor skipper habang si Acampado ang kampeon sa StarCraft2. Ang dalawa ang mga pinuno ng Team Liyab Globe Telecom’s professional eSports team sa pakikipagpareha sa Mineski.

“Yung mga kasali sa SEA Games kasi nakakalaban na rin naman namin,” sabi ni Dizon sa talakayang mga hatid ng San Miguel Corp., Braska Restaurant, Amelie Hotel-Manila at Philippine Amusement and Gaming Corporation.

Nasa sesyon din sina Liyab team manager Gerald Sobrepeña at Globe Games and eSports strategy head Dennis Christian Dominguez.

Kabilang sina Dizon at Acampado sa top 36 eSports players na direktang inimbitahan upang maging parte ng national pool, kasama ang 40 iba pa na nakapasa sa qualifiers, na isinalang sa evaluation at sa Sibol National Pool Combine nitong Agosto 29-31 sa Ayala Malls Circuit.

Mula sa mga sumabak sa National Pool combine ay pipiliin ang mga magiging representante ng bansa sa SEAG eSports kung saan paglalabanan ang mga game title Dota 2, Mobile Legends: Bang Bang, Arena of Valor, Tekken 7, Hearthstone, at StarCraft II.

“I think they were able to show their best and show that they deserve to be part of Sibol national team,” ani Dominguez na siya ring team manager. (Lito Oredo)

11 Angels caption:

Pinahayag ni PetroGazz coach Arnold Laniog (kaliwa) nitong Martes ang pagsali ng Angels sa Taichung International Womens Invitational Indoor Volleyball Tournament sa Taipei City, Taiwan sa Setyembre 15-19. (Ben Maniclang)