Abante Tonite Interactive

eSports isang sports – IOC

By
72

Hindi na magtatagal at makakasama na sa mga kinikilalang lehitimong sports ang electronic sports o eSports.

Ito ay matapos ihayag ng Internatio­nal Olympic Committee sa opisina nito sa Lausanne, Switzerland nakaraang Sabado na “eSports are indeed…sports.”

Kinilala ang pagi­ging isang sports ng eSports sa isinagawang Olympic Summit sa ilalim ng pamamahala ni IOC president Tho­mas Bach sa pulong dahil sa ‘phenomenal growth of video games’.

Bagaman kinakailangan lamang ng isang komportableng silya, malalim na kaalaman sa computer screen at husay sa pagmemorya sa mga controller, naging sandigan ng IOC ang paggamit ng kaisipan ng mga manlalaro at ang resistensiya para makatagal at mabisang makapanalo sa iba’t ibang laro.

Sa inilabas na pahayag, nagkakaisang sinabi ng mga miyembrong dumalo sa Summit na “competitive eSports could be considered as a sporting activity, and the players involved prepare and train with an intensity which may be comparable to athletes in traditional sports”.

Ang biglaang pag­lawak ng eSports ay agad na kinilala sa iba’t ibang bahagi ng mundo partikular na sa Asya sa pagsali dito bilang demonstration sports sa 2018 Asian Games sa Jakarta, Indonesia at inaasahan itong magiging medal sports sa unang pagkakataon sa 2022 Asian Games sa Hangzhou, China.

Ang malaking hakbang na kilalanin bilang medal sport sa kasaysayan ng Asian Games ay isang paghahanda naman para sa opisyal ditong pagkilala bilang lehitimong sports sa mga susunod na Olympics.

“eSports are sho­wing strong growth, especially within the youth demographic across different countries, and can provide a platform for engagement with the Olympic Movement,” ayon pa sa pahayag ng Olympic Summit.

Sana ay agad itong pagtuunan ng ating bansa upang makamit ang posibleng pinakaunang gold medal sa patuloy na nagiging mailap sapul nang sumali ang Pilipinas sa Olimpiada noong 1924 sa Paris.