Abante Tonite Interactive

eSports nagulo sa coronavirus

363

Patuloy ang nagaganap na pagkakansela sa mga malalaking sports event sa iba’t ibang panig ng mundo at hindi rito nakaligtas ang electronic sports o eSports dahil sa nakamamatay na Disease Coronavirus 2019 o COVID-19.

Hindi lang naapektuhan ang mapapanalunang mga premyo o kikitain ng mga propesyonal na eGamer kundi pati na rin ang mga malalaking kompanya na mga nag-oorganisa ng mga palaro, dahil sa pagkansela ng kanilang mga aktibidad.

Pinakahuli na naiatras ang Blizzard sa buong Pebrero at Marso ng Overwatch League na lahat ay China, ang pinagmulan ng virus.

Inihayag ng Blizzard sa isang pinaskil na statement sa website nila: “We want to protect the health and the safety of our players, fans, and staff.” Dahilan para sa pagpapaliban sa kanilang liga.

Inilipat ang Overwatch League na gaganapin sana sa tatlong lugar sa China patungo sa Seoul, Korea dahil sa virus na umabot na ang mga biktima sa halos 2,000 ang mga namatay. Orihinal na nakatakda ang OWL sa Shanghai, Guangzhou at Hangzhou bago kinansela dahil sa COVID-19.
Ayon nitong Biyernes sa Blizzard, gaganapin ang event sa isang studio sa Seoul sa Marso.

Unang pa lang taon sa napakalakas na ng OWL, may global schedule na kung saan nakatakda ang 20 city-based franchise sa Asia, North America at Europe bago lang nakansela.

Hindi lang naman eSports ang apektado ng virus matapos na una nang magpaliban ng buong programa para sa 2020 ang Philippine Sports Commission, gayundin ang mga collegiate league na NCAA at UAAP pati na rin ang iba pang sports event na PRURide 2020 at aktibidad ng Philippine SuperLiga.

Hindi pa matitiyak kung kailan maidedeklarang masusupil na ang virus.
Kaya hinihiling po ng inyong Level Up na pag-iingatan natin ang ating kalusugan.