Abante Tonite Interactive

eSports patok sa 18th Asian Games

By
121

Kabuuang 185 atleta lang ang kasali sa pinakaunang pagsasagawa bilang de­monstration sports ng electronics sports o e­Sports sa ginaganap na 18th Asian Games sa Jakarta, Indonesia pero napakaraming mga nahihilig sa iba’t ibang mga digital game ang pumuno sa maliit na lugar sa Jakarta Convention Center (JCC).

Unang tsansang isasagawa ang eSports bilang demo sports sa Jakarta Asian Games kung saan nais ng iba’t ibang lahok na bansa na makasama na rin ang pinaka-popular na mga laro sa Olympics na isasagawa sa 2020 sa Tokyo, Japan.

Isa ang Japan sa inaasahang magtataguyod ng mga laro kung saan kasama ito sa gumawa ng qualifying para sa event sa iba’t ibang Asian zones simula ­Hunyo 6 sa pamamagitan ng online matches at offline competitions. Kabuuang 27 mula sa kasaling 45 member nations na inimbitahan ang nagsilahok.

Mula sa isinagawang online at offline qualifying ay nasala ang kabuuang 185 gamer mula sa 18 bansa na pumasok sa torneo para ipakita ang kanilang skills sa 6 na brand ng video game na napili ng regional governing body sa sports na Asian Electronic Sports Fe­deration (AESF).

Habang isinusulat ito ay nakalinya ang Arena of Valor kasunod ang Clash Royale, League of Legends, StarCraft II, Hearthstone at Pro Evolution Soccer 2018 na tanging anim na laro ang napili para sa ngayong taong torneo.

Optimistiko naman ang mga organizer na ang kompetisyon nga­yong taon ang magsisilbing ‘trial run’ para sa mga mahihilig sa eSports na makasama sa exhibition event sa 2024 Paris Olympics.

Kinilala na mismo ng International Olympic Committee (IOC) ang eSports bilang isang sports sa pulong noong Nobyembre 2017 at magiging medal event na rin ito sa 2022 Asian Games sa Hangzhou, China.

Marahil, napapanahon na rin na ipa­kita ng mga Pinoy ang kanilang husay at ga­ling sa eSports sa target na maiuwi ang pinaka-unang gold medal ng Pilipinas sa Olympics.