Abante Tonite Interactive

eSports: ‘Pinas ika-19 sa kita

218

‘Di nagpapahuli ang Pilipinas sa naiuuwing mga premyo sa iba’t ibang mga palaro ng electronics sports (eSports).

Patunay dito ang pag-okupa ng bansa sa ika-19 na puwesto sa Top 100 Highest earnings ng mga bansa base sa mga inilalabas na resulta ng mga website ng mga eSports tournament.

Nakapagpasok ang mga Pilipino eGamer dahil kabuuang naiuwing $8,067,791.91 premyo sa Pilipinas sa nakalipas na taon mula sa 527 manlalaro na sumali sa iba’t ibang mga digital game na may nakalaang insentibo.

Mula sa 527 na Pinoy eGamers, 62 dito ang nakapagwagi nang ‘di bababa sa US$10,000 gantimpala.

Alamin natin ang top earners ng bansa sa eSports base sa kanilang Player ID, Player Name Total (Overall Income) at ang Highest Paying Game.

Nangunguna sa listahan ng PP Top Earner si DJ o Djardel Jicko Mampusti na may $764,997.31 sa panalo nito sa Dota 2. Ikalawa si Tims o Timothy Randrup na may $744,163.75 sa Dota 2 rin. Ikatlo si KuKU o Kuku Palad na may $689,364.63 sa Dota 2 pa rin.

Ikaapat si Raven o Marc Polo Luis Fausto na may $591,993.10, kasunod sa ikalimang puwesto si sam_H o Sam Enojosa Hidalgo na may $488,334.78.

Ikaanim si Armel o Armel Paul Tabiosna may $453,716.51, ikapito si Gabbi o Khim Villafuerte na may $415,134.68 sa Dota 2, at ikawalo si Abed o Abed Yusop na may $402,842.09 lahat sa Dota 2.

Ikasiyam at ika-10 sina Eyyou o Nico Barcelon sa $397,072.94 sa Dota 2 at si Xmithie o Jake Puchero na nanalo ng $292,455.10 sa paglalaro ng League of Legends.

Nasa 11 si Xplosive o Gilbert Rojo na may $254,600 sa Gears of War 4, ika-12 si Ryo o Ryo Hasegawa na may $254,448.28 sa Dota 2, ika-13 si Bimbo o Ryan Jay Qui na may $217,593.13 sa Dota 2, ika-14 si Staz o Euneil Javiñas sa $185,360.89 sa Hearthstone at ika-15 si Pr0phie o Magno Ramos sa $118,795.86 sa paglalaro ng Player Unknown’s Battlegrounds.

Nasa 16-20 posts naman sina RR o Ralph Richard­ Peñano ($73,261.67) sa Dota 2, Cast o Mark Pillarna ($65,965.68) sa Dota 2, si Kim0 o Kimuel Rodis ($65,003.35) sa Dota 2, si Barl o Carl na may $61,700.00 na panalo sa Fortnite at si Nando o Fernando Mendoza ($54,435.53) sa Dota 2.