Esports ‘Pinas kasali sa SEA Invitationals

Tatalupan ng 3,000 athletes ng 400 teams mula sa siyam na bansa, kabilang ang Esports Pilipinas ang mga kampanya pagsambulat ngayon, Hunyo 26 ng Razer Southeast Asian-Invitational 2020 na tatagal hanggang Hulyo 21.
Magsasagupa ang mga kalahok sa tatlong major title na PlayerUnknown’s Battlegrounds Mobile (PUBG Mobile), Defense of the Ancients 2 (Dota 2) at Mobile Legends: Bang Bang (MLBB) sa unang electronic sportsfest sa ilalim ng COVID-19 sapul pa noong Marso.
Hakbang ito sa pagkakapasok na ng esports bilang regular na medal sports sa 31st Southeast Asian Games 2021 sa Vietnam . Gayundin sa Asian Games at Summer Olympic Games. (Lito Oredo)