Abante Tonite Interactive

eSports sa 18th Asiad, dadagsain

By
161

Masusubok sa u­nang pagkakataon kung tuluyang maisasama na sa medal sports sa mga multi-sports na torneo ang electro­nic sports o eSports sa nalalapit na pagsagawa ng digital games sa 18th Asian Games sa Jakarta, Indonesia.

Kasisimula pa lamang ng kada apat na taong torneo su­balit mas maraming kabataan at mahihilig sa digital games ang nagsisipuntahan na sa lugar na paggaganapan ng anim na nakata­yang paglabanang laro upang makita at masubok ang mga pasilidad sa Gelura Bung Karno Stadium.

Itinakda ang isang buong araw para sa anim na digital games kung saan unang pag-aagawan ang gold me­dal sa Arena of Valor sa Agosto 26 , ikalawa ang Clash Royale sa Agosto 27, ang League of Legends sa Agosto 27 hanggang 29, ang Starcraft sa Agosto 30, ang Heart Stone sa Agosto 31 at panghuli ang PES2018 sa Set­yembre 1.

Ngayon pa lamang ay pinaghahandaan na ng nag-oorganisang Indonesia Asian Games Organizing Committee ang seguridad at kaayusan ng torneo dahil sa inaasahan nitong pagpunta ng mga manonood na bago pa man magbukas ang multi-sports na torneo ay pinupuno na ang gagamiting mga pasilidad para sa nasabing disiplina.

Isang patunay na ang electronic sports  o eSports ay madali nang maisasama bilang regular na medal sports alinman sa kada apat na taong Asian Games at ang pilit nitong inaabot na salihan na Olympic Games.