Abante Tonite Interactive

eSports sa 30th Manila SEA Games

By
0 160

Optimistiko ang Asian Electronic Sports Federation (AESF) na magagawa nilang maisama ang electro­nic sports o eSports sa ikaapat na pagho-host ng Pilipinas sa kada da­lawang taon na multi-sports competition na Southeast Asian Games sa susunod na taon.

Hindi batid ng mga namumuno sa AESF na inaasahang sasailalim sa matinding proseso ang pagsali ng eSports sa pangrehiyong torneo dahil sa sinusunod na batas sa bansa na kinakailangang dumaan muna sa drug testing ang lahat ng mga kalahok sa mga tulad na kompetisyon partikular na sa papaangat na digital gaming.

Matatandaan na una nang itinakda ng isang malaking kompanya ang pagdaos dito sa bansa ng isang torneo na pangbuong mundo sa eSports ngunit sa bandang huli ay ‘di pumunta ang mga kuwa­lipikado at imbitadong manlalaro dahil sa batas na kailangan silang sumailalim sa drug test.

Ito rin ang malaking isyu na kokomprontahin ng mga opisyal na nagnanais na mai­sagawa ang eSports sa ika-30 edisyon ng SEA Games.

Nakatakdang makipagpulong ang mga opisyal ng AESF sa namumuno sa sports sa bansa na Philippine Olympic Committee (POC) na siyang naatasan para sa pamamahala, pagtukoy sa mga lugar na pagdarausan pati na rin sa pag-oorganisa sa paglalabanan na mga sports sa SEA Games sa Oktubre.

Kaiba sa ginanap na 18th Asian Games sa Jakarta, Indonesia, hindi puwersado ang mga naging kalahok na sumailalim sa drug testing dahil dumaan sila sa proseso ng pi­lian sa pamamagitan ng online at sertipikado ng kanilang mga National Olympic Committee (NOC).

Umaasa naman ang libo-libo o milyon na mga nahihilig sa e­Sports na maagang malaman kung magi­ging isang lehitimong regular na medal sports ang kanilang kinahihiligang laro sa asam na makabilang sa mga kalahok at mairepresenta ang bansa sa mapipi­ling mga laro.