Abante Tonite Interactive

eSports sa Olympics ‘di na mapigilan — Fok

By
102

Sadyang hindi na maiiwasan ang posibleng pagiging regular medal event ng electronic sports.

Ito ang optimisti­kong pahayag ni Asian Electronic Sports Fede­ration (AESF) president Kenneth Fok matapos ang pakikipag-usap kay International Olympic Committee (IOC) president Thomas Bach na tanging nagbigay payo para sa iba pang krusyal na parte para maidagdag sa Olympics ang eSports.

“The IOC wants electronic sports to be more inclusive, educational and youth orien­ted,” ani Fok.

Abante Hiring – IT dep

Pinuntahan ni Bach ang katatapos lamang na 18th Asian Games sa Jakarta, Indonesia kung saan unang isinagawa bilang demons­tration sports ang eSports na may anim na laro ang pinaglabanan para makita nito ang katotohanan sa mabilis na nagiging popular sa mundo na bagong silang na sports.

“We want to meet the ends between the traditional physical sports and the fast growing mental sports,” ani pa Fok. “Although there is really a farthest distance differentiating between the two, we will work hard to include and let eSports be accepted in the entire community of sports,” sabi pa nito.

Matapos na ipaglaban na makasama ang eSports sa Asian Games ay sunod na adhikain ng internasyonal na pederasyon na maisa­gawa ang eSports sa Southeast Asian Games (SEAG) na iho-host ng Pilipinas sa 2019.

“There is really a big community of eSports in the Southeast Asia, and we are looking forward to have the most and the biggest ever staging of eSports in the region,” sabi pa nito.

Hindi matatawa­ran na marami na ang nahihilig na mga kabataan sa paglalaro ng iba’t ibang laro sa internet kung saan ilang kabataang Pinoy na kabilang sa ilang grupo ang tinanghal na mga milyonaryo sa paglalaro lamang ng internet at web based na laro.

Asam din ng AESF na mas mapalaki pa nito hindi lang sa mga ginaganap na lehitimong torneo ang eSports kundi pati na rin sa pagsasagawa ng mga qualifying tournaments at sa mga laro na nakataya ang mas malala­king mga premyo.

Umaasa ang pitak na ito na maging maka­buluhan sana sa mga kabataan ang kanilang paglalaro ng eSports at hindi lamang ito gawin bilang isang laro kundi paraan na rin para makabilang sa mga mahuhusay sa larangan ng siyensiya sa pamamagitan ng electronics at digital games at maging mil­yonaryo din sa hilig nito sa paglalaro.