Abante Tonite Interactive

eSports sa Olympics

By
1,856

Inihayag ng International Olympic Committee (IOC) at Global Association of International Sports Federation (GAISF) ang pag-host ng ‘eSports Forum’ sa Hulyo 21 sa Olympic Museum sa Lausanne, Switzerland.

Nagsama ang IOC at GAISF sa pagdaraos ng talakayan upang (a) mabatid ang kakahayan ng eSports, (b) magkaunawaan sa mga nilalarong disiplina rito at (c) at ang pagsasanggaan ng sports gaming at kilusan sa Olympics.

Inimbitahan ang mga representante sa buong mundo sa eSports at gaming ecosystem tulad ng mga player, publisher, mga team, media, sponsor at organiser para magkasama-sama sa pagbalangkas ng Olympic Movement tulad ng Association of National Olympic Committees, International Sports Federations, athletes commission na umanib sa IOC.

Isang malaking hakbang para sa eSports ang naising malaman at pagsasagawa ng IOC ng mga hakbang upang makita at ma­obserbahan ang lawak ng eSports na pangunahing basehan ng grupo upang kilalanin ang isang sports na maging regular nilang member, at malaro sa Olympics.

Ang forum ang ikalawang pag-uusap sapul nang gawin ang Olympic Summit noong Oktubre. Hiniling sa IOC at GAISF ng gamin­g industry at mga player na ipasok ang eSports sa Olympics at World Games sa lalong ma­daling panahon.

Kaya asahan natin na dalawang taon si­mula ngayon ay kabilang na ang eSports sa 2020 Tokyo Olympics.

“We are pleased to be hosting our first “eSports Forum” which is a great opportunity for both the Olympic Movement and representatives from the world of eSports and gaming to begin a discussion, listen and learn from each other, and understand the potential opportunities for collaboration,” ani IOC Sports Director Kit McConnell.

“The IOC and GAISF are closely following the rapid development of esports globally, and we look forward to a really engaging discussion.”