Abante Tonite Interactive

eSports sa SEA Games, makakansela?

By
144

Marami ang nagtatanong sa LEVEL UP kung saang lugar gagawin ang labanan ng pinakahihintay nilang anim na iba’t ibang laro at isang demonstrations game sa 30th Southeast Asian Games electronic sports o eSports.

Katulad po ninyo, naliligaw at wala pong kaliwanagan sa inyong lingkod kung saan ang paggaganapan na arena na ipinangako ng nag-oorganisang ad hoc committee ng Philippine Southeast Asian Games Organizing Committee (PHISGOC) para sa kasalukuyang itinuturing na papaa­ngat na laro sa mundo.

Napupuno na rin ng maraming katanu­ngan ang email at maski ang mga aplikasyon sa social media ng inyong lingkod.

Pero haggang nga­yon ay wala po tayo makuhang kasagutan sa mga namamahala sa eSports na magiging regular na medal sports sa unang pagkakataon sa kada dalawang taong multi-sport meet para sa 11 bansa.

Kahit na ang ikaanim at huling titulo na paglalabanan sa eSports ay patuloy na nananatiling sikreto matapos na unang agad na ihayag ang limang iba pang paglalabanan sa SEA Games.

Dahil sa kawalan ng impormasyon ay marami tuloy ang na­ngangamba na hindi maisasagawa o matutuloy ang nasabing laro bunga na rin ng kawalan ng kanilang nakikitang mga pasilidad, paghahanda at pagpili sa mga magiging miyem­bro ng pambansang koponan at iba pa.

Una nang inilunsad ang pagsasanib ng dalawang asosasyon na siyang mamamahala para sa torneo kasalo ang isang higanteng kompanya na siya namang magtatayo ng mga pasilidad at makinarya na gagamitin.

Gayunman, matapos ilunsad ang pagsasagawa at pagdagdag sa eSports bilang regular sports sa SEAG ay naging kasunod nito ang nakakabibinging katahimikan na.