Abante Tonite
Mabilis sa Balita

eSports umaapaw ang popularidad

0 239

Umaasa ang Games and Amusement Board (GAB) sa dumaraming nagdedesisyon na maging mga propesyonal na manlalaro sa lumalawak na interes sa pagbuo ng mga organisasyon at pagsasagawa ng mga torneo na direksiyon sa bansa para sa inaasahang paglobo ng electronic sports.

“Sobrang dami ng mga interesado,’ sabi ni GAB Chairman Abraham Kahlil Mitra sa lumolobong popularidad ng electronics sports o eSports sa bansa.

Aminado ang opisyal na nakikipagkompetensiya na sa ibang mga tradisyunal na sports ang pinakabagong uri ng disiplina na kinakailangan ng iba’t-ibang digital platform at makabagong teknolohiya para maisagawa ang mga torneo.

“Some of them compete abroad and needs to have license before they are allowed to play,” panapos na wika ni Mitra. (Lito Oredo)

Leave A Reply

Your email address will not be published.