Abante Tonite Interactive

Essential oils

By
21

Kaysarap langhapin at naka­kaginhawa ang samyo, iyan ang mga essential oils. Kaiba sa scented oils na mas karaniwan nating nakikita sa mga pamilihan, ang mga essential oils ay kinatas mula sa iba’t ibang bahagi ng aktuwal na halaman gaya ng dahon, sanga at bunga.

Ang nauna naman ay karaniwang ‘synthetic’ o artipisyal na prinodyus at ginagaya lamang ang likas na amoy ng mga scents ng bawat variant.

Ang mga essential oils ay taglay ang mga beneficial properties ng mga mismong halamang pinagkuhaan sa mga ito. Depende sa scent na gagamitin, may iba’t ibang magagandang epekto ang mga ito lalo na sa aromatherapy. Makikita ang ilan dito sa mga sumusunod:

Lavender – Mainam ang pag-burn ng lavender essential oil kung nahihirapang makatulog. Tumutulong umano ito sa pagpapabagal ng activity ng central nervous system (CNS) na nakakapagdulot ng mas mahimbing na tulog sa gumagamit nito.

Bukod sa pag-burn, maaari rin itong ilagay sa isang spray bottle at saka i-spray sa mga punda at kumot.

Peppermint – Mabisa ang peppermint essential oil kung nais na mapasigla ang mood. Mayroon itong refreshing at cooling effects na makakapag-ibayo ng mental alertness at focus sa nakakalanghap.

Karaniwan itong sangkap sa mga lotion at mouthwash sa ‘lamig’ na dulot nito. Tandaan lamang na kailangan ng pag-iingat sa paggamit nito sa mga bata at mga nagdadalantao dahil may posibilidad na makairita ito sa balat.

Rose – Nakakatulong ang paglanghap ng rose essential oil na mabawasan ang pakiramdam ng pagka-depress at pagka-down. Beneficial rin ito sa hirap sa paghinga at mga may dinaramdam sa panunaw.

Napakarami pang uri ng essential oils ang maaaring subukan. Bawat isa ay may taglay na kaginhawaan sa lumalanghap o gumagamit nito.

Maigi lamang na mag-ingat sa kung alin sa mga ito ang safe na idampi sa balat o ma-ingest. Sa ganitong paraan ay lubos na mae-enjoy ang beneficial properties na alay sa ating ng kalikasan.