Abante Tonite Interactive

Estado ng JaDine inamin sa fan

1,188

Nabunutan ng tinik sa lalamunan ang mga fan ng celebrity couple na sina James Reid at Nadine Lustre. Madalas na kasi silang nagkakasama at nagbabakasyon together.

Mas lalo namang natuwa ang mga fan nang kumpirmahin ni James sa isang Filipino airline crew na hindi totoo ang balitang hiwalay na sila.

Sa Facebook ay ibinahagi ni Justin Derrick Quinto ang larawan nila ni James. Sa comment box ay may mga nagtatanong kung ano ang estado ng dalawa.

Marami nga ang naaliw dahil sa lakas loob na pagtanong ni Justin sa actor. Sey ni Justin, “Ndi daw totoo na break n cla.”

Dagdag pa niya, “they are good naman. And he said they are not break they are still together.” (Rona Ronda)