Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Estapadora balik-selda

0 81

Balik-kulungan ang isang babaeng kalalaya lang dahil sa kasong estafa mula sa New Bilibid Prison.

Ito’y nang maispatan siya sa bentahan ng iligal na droga at mahulihan ng P2.7 milyong halaga ng hinihinalang shabu sa isang anti-illegal drug operation sa Barangay Punta Princesa, Cebu nitong September 19 ng madaling-araw.

SM food to go Banner Ad

Kinilala ang drug suspect na si Elizabeth Flores ng Barangay Mambaling, Cebu City.

Ayon kay Police Capt. Jonathan dela Cerna, station commander ng Labangon Police Station, nalaman nila ang iligal na aktibidad ng suspek mula sa isang informant.

Dahil sa malaking halaga ng binebenta niyang droga ay maituturing umano si Flores na high-value individual sa police drug watchlist. (IS)

Leave A Reply

Your email address will not be published.