Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Esteban todo pakondisyon

0 54

Hindi nagpapabaya ang miyembro ng PH 2019 Southeast Asian Games women’s team foil bronze medal winner na si Maxine Isabel Esteban sa pangangatawan at kalusugan kahit mag-iisang taon nang tengga sa kompetisyon dulot ng pandemya.

Isang social media post ang ginawa ng 19 na taong-gulang na dalaga na seksi at kitang kondisyon pa rin sa kabila na isang taon na darating na March ang COVID-19 na gumagambala sa sports at mga atletang gaya niya.

Tumagpas ang tsinita at balingkinitang fencer sa kanyang rookie year sa 81st University Athletic Association of the Philippines (UAAP) 2018-19 ng tatlong gold at isang bronze medal patungo sa paggawad sa kanya ng Rookie of the Year award, at Most Valuable Player trophy.

Nagkampeon ang Ateneo Lady Eagles sa women’s division nang taong iyon, tinapos ang 13-season reign ng UE Lady Warriors.(Ramil Cruz)

Leave A Reply

Your email address will not be published.