Abante Tonite Interactive

Estrella-Pantaleon Bridge isasarado na

By
0 152

Isasara na sa trapiko ang Estrella-Pantaleon Bridge na nag-uugnay sa Makati City-Estrella Street-Mandaluyong City at Barangka Drive simula Sabado (January 19, 2019) upang bigyan daan ang pagpapagawa at pagpapalawak mula sa dalawang lane sa apat na lane.

Ang pagpapasara sa tulay ay magbibigay daan sa China Road at Bridge Corporation upang mapabilis ang pagtatanggal ng kasalukuyang tulay at konstruksyon ng isang bagong 506 lineal meter bridge structure, ayon kay Department of Public Works and Highways (DPWH) Undersecretary for Unified Project Management Office Operations and Technical Services Emil Sadain.

“We ask for public’s patience and understan­ding as we intend to go full blast on implementation so we can complete and open a new 4-lane bridge crossing Pasig River within the 30-months construction period or by 2021,” ani Sadain.

Dahil sa inaasahang pagsisikip ng daloy ng trapiko na epekto sa pagpapasara sa naturang tulay, ang DPWH ay una nang nagpasaklolo sa Metropolitan Manila Development Authority at sa mga city go­vernment ng Makati at Mandaluyong para sa pagmamando ng trapiko. Naglagay na rin ang kagawaran ng mga road traffic advisory sa paligid ng proyekto sa pakikipag-ugnayan sa traffic office sa lungsod ng Mandaluyong at Makati.