Abante Tonite Interactive

Estrella-Pantaleon Bridge sa Makati 30 buwan sarado

By
435

Makakaranas ng ma­tinding trapiko ngayong araw ang mga motoristang magtutungo ng Makati at Mandaluyong City dahil sisimulan na ang pagkukumpuni ng Estrella-Pantaleon Bridge.

Ayon kay Metropolitan Manila ­Development Authority (MMDA) Gene­ral Manager Jojo Garcia, ngayong alas-8:00 ng umaga (Setyembre 23) ay isasara na sa mga motorista ang naturang tulay na kumokonekta sa Makati at Mandaluyong City.

Sinabi ni Garcia, gigibain ang na­turang tulay at papalitan ito ng bago, at aabutin ng 30 buwan ang konstruksiyon nito.

Kung kaya’t magbaon aniya ng mahabang pasensiya ang mga motoristang apektado, dahil asahang mas mabigat na daloy ng trapiko ang kanilang mararanasan.