Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Estudyante binoga ng 4 bagets

0 64

Patay ang isang 18-an­yos na estudyante habang sugatan naman ang isang tricycle driver nang mabaril ng grupo ng kabataan, Linggo sa Tondo, Maynila.

Ayon sa imbestigasyon ng Manila Police District-homicide section, nasawi dahil sa tama ng bala sa kaliwang dibdib ang biktimang si Felyn Mae Pelingon, taga-Tondo.

Habang ginagamot sa Tondo General Hospital ang isa pang biktima na si Andrey Villanueva, 20, tricycle driver dahil sa tama ng bala sa katawan.

SM food to go Banner Ad

Naaresto naman sa ginawang follow-up operation ang apat na suspek na sina Jonhen Zabala, 18, alyas Dagul; Joshua Ramos, 18; at Mark at Jojo, kapwa 17-anyos. Pinaghahanap pa ang isang suspek na nakila­lang si Kurt Galang.

Naganap ang insidente, ala-1:00 kamakalawa ng madaling-araw sa may Jacinto St., Tondo.

Ayon sa testigo, nakita niya ang mga suspek na tumatakbo papunta sa kanilang direksiyon at nagpaputok ng baril dahilan para tamaan ang dalawang biktima. (Juliet de Loza-Cudia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.