Abante Tonite Interactive

Estudyante buking sa baong marijuana sa eskuwela

0 195

Arestado ang isang college student ng isang unibersidad matapos makuhanan ng pinatu­yong dahon ng marijuana sa loob ng kanyang bag habang papasok sa eskuwelahan kahapon sa Makati City.

Nakakulong ngayon sa Makati City Police ang estudyanteng si Nathaniel Razonable, 23-anyos, 2nd year college ng University of Makati (UMak), taga-Brgy. South Side ng naturang lungsod.

Sa ulat kay Police Col. Rogelio Simon, hepe ng Makati City Police, alas-10:45 nang umaga nang madakip ang suspek sa nabanggit na unibersidad.

Habang nag-iins­pection ang security guard sa gamit ng mga estudyante na papasok sa unibersidad ay napansin nito ang kahina-hinalang nakabalot sa isang yellow pad. Nang busisiin ay nakita nito ang pinatuyong dahon ng marijuana na tangka sanang ipasok ni Razonable.

Bukod sa marijuana, may nakuha pang glass tube sa suspek na may residue pa ng marijuana. (Armida Rico)