Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Estudyante dinedo ng tanod

0 109

Kamatayan ang sinapit ng isang grade 11 student sa kamay ng hepe ng barangay tanod na umaawat sa kaguluhan, Sabado ng gabi sa Brgy. Pias, General Tinio, Nueva Ecija.

Sa ulat sa tanggapan ni Police Colonel Marvin Joe Saro, NE provincial director, nakilala ang napaslang na si Joshua Bote Esporna, 18, residente ng naturang barangay.

Dakong alas-9:30 ng gabi, may kasuntukan si Esporna nang marespondehan ng mga nagpapatrulyang barangay tanod sa pamumuno ng hepe nitong si Valente Esporna Reyes, 63-anyos.

Habang sinasaway ang nagsusuntukan ay nakakuha umano ng pala si Esporna at akmang hahatawin sa ulo si hepe na agarang nakabunot ng service firearm at pinutukan nito sa noo ang binata.

Agad isinugod sa Medicare Community Hospital ang estudyante pero nadeklarang dead on arrival.

Isinuko naman ang nagamit na cal. 9mm na baril ni Reyes na kinasuhan ng homicide. (Jojo de Guzman)

Leave A Reply

Your email address will not be published.