Abante Tonite Interactive

Estudyante huli sa 21 balot ng marijuana sa loob ng iskul

193

Isang 16-anyos na high school student ang nasa pangangalaga ngayon ng pulisya makaraang makumpiskahan ng pinatuyong dahon ng marijuana na nakabalot sa papel habang nasa loob ng eskuwelahan sa Barangay Poblacion, Pulilan, Bulacan kamakalawa.

Sa report ni P/Lt. Col. Jesus Manalo, Pulilan police chief, kay P/Col. Lawrence Cajipe, Acting Provincial Director ng Bulacan-PNP, itinago sa pangalang Boyet ang suspek.

Bandang alas-3:40 ng hapon nang magsagawa ng sorpresang pag-inspeksiyon ang isang teacher bilang bahagi ng school policy. Nagulat ito nang makita sa body bag ng estudyantenng suspek ang 21 piraso ng nakatiklop na papel na may lamang damo at nakalagay sa plastic kaya kaagad ini-report ng eskuwelahan sa kamag-anak ng suspek.

Patuloy pa rin ang ginagawang imbestigasyon ng pulisya sa suspek kung saan nito kinukuha ang droga at kung ibinebenta niya ito sa loob ng eskuwelahan. (Jun Borlongan)