Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Estudyante kinidnap ng 10 lalaki

0 279

Dinukot ng hindi nakilalang grupo ng armadong kalalakihan ang isang estudyante sa harap ng kanilang bahay sa Brgy. Canlalay, Biñan City, Laguna noong Sabado ng hapon.

Kinilala ang biktima na si Lester Ayzlei Allada, 20 anyos.

Ayon sa pamilya ng biktima, dumating sa kanilang bahay sa St. Francis IV ang nasa walo hanggang 10 kalalakihan na sakay ng isang van at isang SUV.

Nagpakilala umano ang mga itong mga tauhan ng PDEA at isasama umano nila ang binata dahil sa isang reklamo.

Sinabihan na lang ang pamilya na sumunod sa tanggapan ng PDEA sa Biñan City.

Subalit nang puntahan ng pamilya, itinanggi ng Biñan City PDEA ang umano ay pagdukot at hindi anila sila nagkaroon ng operasyon ng araw na yun.

Hinanap din ng mga kaanak sa ibat-ibang presinto ang biktima subalit nabigo silang matunton ito.

Ayon naman sa Biñan City police, walang record ng kaso tungkol sa iligal na droga ang biktima at wala rin ito sa drug watch list ng pulisya.

Palaisipan ngayon sa pamilya at maging sa pulisya ang motibo sa pagdukot sa binata. (Ronilo Dagos)

Leave A Reply

Your email address will not be published.