Abante Tonite Interactive

Estudyante minanyak ng menor-de-edad

559

Kalaboso ang isang menor-de-edad matapos umanong molestiyahin ang isang 19-anyos na dalaga sa loob ng computer shop sa Upper Quezon Hill, Baguio City noong Martes.

Ayon sa Baguio City Police Office, ang bagets na hindi pinangalanan ay nasa panga­ngalaga ngayon ng Baguio City Social Development Center (BCSDC).
Ang 19-anyos namang complainant ay isang estudyante na taga-Quezon Hill sa nasabing siyudad.

Sa report ng BCPO, habang nagko-computer ang biktima sa computer shop ay bigla itong hinawakan ng suspek sa puwet kung saan tangka pa umano nitong ipasok ang kanyang kamay sa loob ng palda ng biktima.

Ayon pa sa report, hinawakan pa umano ng binatilyo ang baywang at legs ng biktima ng tatlong beses.

Dahil dito, agad na nagtungo ang biktima sa himpilan ng pulisya at inaresto ang suspek na noo’y naglalaro ng computer game.

Matapos kunan ng police record ang suspek agad siyang pinunta sa pangangalaga ng BCSDC. (Allan Bergonia)